Lahar flow, naitala sa Bulkang Bulusan

Nakapagtala ng maliit na volume ng lahar sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon kagabi.

Alas-7:04 ng gabi nang ma-detect ng seismic at infrasound stations ng Bulusan Volcano Network ang nasabing lahar flow.

Tumagal ito ng 54 na minuto sa kasagsagan ng thunderstorm sa Sorsogon.


Kinumpirma rin ng Bulusan Volcano Obervatory ang manipis na channel-confined lahar deposits sa Calang Creek sa Barangay Cogon, Irosin.

Sa kabila nito, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Bulusan.

Pero mahigpit ang paalala ng ahensya lalo na sa mga nakatira sa mga lambak at sa tabi ng mga ilog o stream channel partikular sa southeast, southwest at northwest slopes ng bulkan na mag-ingat at maging mapagmatiyag sa posibleng lahar flow tuwing malakas ang ulan lalo na kung katatapos lamang sumabog ng bulkan.

Facebook Comments