Pagtaas ng kaso sa ilang lugar sa NCR, hindi dapat ikabahala

44

Walang dapat ikabahala sa nakitang bahagyang pagtaas ng kaso sa limang lugar sa Metro Manila.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na ibayong pag-iingat lamang ang kinakailangan upang agad na makontrol at mapigilan ang pagdami pa ng mahahawaan ng virus.

Ani Vergeire, ang mahalaga kahit na tumataas ang kaso dapat ay hindi mapuno ang mga pagamutan.


Kabilang sa mga lugar sa National Capital Region (NCR) na masusi nilang binabantayan ay ang Pasig, San Juan, Quezon City, Marikina, at Pateros.

Aniya, nasa moderate risk na ang mga nabanggit na lugar matapos umakyat sa mahigit 200% ang growth rate dito.

Facebook Comments