Kinumpirma ng lokal na pamahalaan na apektado ng pagbaha ang buong bayan ng Lingayen.
Sa Naging panayam ng IFM Dagupan kay Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil, patuloy pa din nilang minomonitor ang sitwasyon ng buong bayan lalo na ang ang Lingayen ang catch basin ng Agno River.
Sa ngayon ay sumulat na aniya ang lokal na pamahalaan sa mga National Agencies na makakatulong sa pagbibigay ayuda sa kanilang mga kababayan.
Kaugnay nito ay nagpulong ang lokal na pamahalaan at mga concerned agencies upang isailalim sa State of Calamity ang buong bayan ng Lingayen.
Ang Lingayen ang pampitong bayan sa buong Pangasinan na isinailalim sa State of Calamity. |ifmnews
Facebook Comments