Lahat ng Chinese na pumapasok sa bansa, ipinasasailalim sa GMRC sensitivity training

Iminungkahi ni House Committee on Games and Amusement Vice Chairman at Ang Probinsyano Party-list Representative Ronnie Ong na idamay na rin ng gobyerno sa Good Manners and Right Conduct (GMRC) sensitivity training ang lahat ng mga pumapasok na Chinese sa bansa.

Kasunod ito ng hakbang ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na isailalim sa GMRC sensitivity training ang mga Chinese POGO workers upang ipaalala sa mga Chinese nationals na kailangan nilang sumunod sa batas ng Pilipinas.

Inirekomenda ni Ong na isama sa values training ang mga dumarating sa bansa na taga Mainland China na kilalang notoryus na mga bisita sa bansa.


Nilinaw naman ni Ong na hindi racism ang pag-obliga sa mga dumarating na dayuhan na rumespeto sa ating kultura at tradisyon.

Nagkakaroon na kasi, aniya, nang pattern ang mga Chinese mainlanders na nasasangkot sa krimen tulad nang drug-trafficking, prostitution, kidnapping, gun-for-hire at money laundering.

Samantala, muling ipinapanawagan ni Ong sa PAGCOR na bilisan na ang pagbibigay ng Gaming Employment License (GEL) identification cards sa lahat ng mga registered Chinese POGO workers na maaaring gamitin ng gobyerno sa mabilis na monitoring laban sa COVID-19.

Facebook Comments