Lahat ng may comorbidities, hiniling na mabakunahan na ng COVID-19 booster vaccine

Hiniling ni Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo Ordanes na palawigin ang criteria ng mga may “comorbidities” na makakatanggap ng second booster ng COVID-19 vaccine.

Sa ngayon kasi, tanging ang mga senior citizens, health care frontliners at immunocompromised sa ilalim ng A3 category ang eligible na makatanggap ng ikalawang booster.

Apela ni Ordanes na isama na ang lahat ng may comorbidities sa maaaring makatanggap ng 2nd booster at huwag nang piliin pa.


Sa ganitong paraan ay mas mapapalakas ang proteksyon ng lahat ng mga may iba’t ibang kondisyon o karamdaman laban sa COVID-19.

Pinakiusapan din ng kongresista ang Food and Drug Administration o FDA na bigyan ng full-approval ang mga COVID-19 vaccines na mayroon lamang emergency use authorization o EUA.

Kung mabibigyan ng full-approval ang mga bakunang may EUA, mas magiging available ang mga COVID-19 vaccines sa buong bansa at mangangahulugan ito ng pagtaas sa vaccination rate.

Facebook Comments