Isang lalaki at isang babae, pinagbabaril sa Maynila

121

2 katao na sakay ng tricycle ang pinagbabaril sa Rizal Avenue, Santa Cruz, Maynila sa baba ng LRT -Bambang station.

Ayon sa Manila Police District (MPD), galing sa isang hotel ang mga biktima nang tambangan ang mga ito.

Agad na dinala sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang mga biktima.


Kinumpirma naman ng MPD Homicide Division na patay na ang lalaking biktima habang buhay naman ang kasama nitong babae.

Nagsasagawa na ng pagre-review sa CCTV footage sa lugar ng pinangyarihan ng krimen ang mga otoridad.

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga biktima.



Facebook Comments