Lahat ng mga may negosyo ng courier delivery services, pinag-iingat ni PNP Chief Dela Rosa

Manila, Philippines – Pinag-iingat ngayon ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa ang lahat ng mga may negosyo ng courier delivery services para hindi magamit sa masasamang balak ng sinumang indibidwal o grupo.

Ito ay kasunod ng nangyaring pagsabog sa Quiapo Area noong Sabado kung saan bago sumabog ang Improvised Explosive Device ay inihatid ito ng isang grab express driver sa receiver bago sumabog dahilan ng pagkasawi ng dalawang katao.

Ayon kay PNP Chief Dela Rosa nagagamit ang mga courier services na ito para makapghasik ng gulo ang ilang grupo o indibidwal kung kayat payo niya sa mga may ganitong negosyo i-check mismo sa harap ng customers ang kanilang ipapadalang gamit o bagay.


Ito ay upang matukoy na ito ay hindi kontrabando.

Sa ngayon ayon kay Dela Rosa tuloy-tuloy ang imbestigasyon nila sa kaso ng pagpapasabog at ang tinitingnan nilang motibo ngayon ay personal na away at corruption sa Bureau of Internal Revenue.

Nakikipagtulungan naman sa imbestigasyon ang Grab Express at sa ngayon itinuturing pa ring biktima ang Grab driver na SJ Mark Anthony Torres at hindi suspek.

Iginiit naman ni PNP Chief na hindi gawa ng terorista ang nangyaring pagsabog.

DZXL558

Facebook Comments