Lahat ng opisyal ng Energy Regulatory Commission, hinamon ng isang Congressman na magbitiw sa pwesto

Manila, Philippines – Pinagbibitiw sa pwesto ni House Committee on Energy at Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate ang lahat ng Commissioners ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa gitna ng patuloy na alegasyon ng katiwalian sa ahensya.

Ayon kay Zarate – maraming nabulgar na anomalya sa ERC, kasunod ng pagpapakamatay ni dating ERC Director at Bids and Awards Committee Chairman Francisco Villa Jr. dahil sa umano’y pressures sa trabaho.

May mga kontrobersyal din umanong kasunduan ang pinasok ng ahensya, kung saan ang pinakamatindi ay ang midnight deal sa pitong power supply agreement sa affiliated power generation companies ng Manila Electric Company o Meralco.


Dahil sa ginagawa ng ERC ay natatali ang consumers sa monopolya ng meralco na ipinagbabawal sa ilalim ng batas.

Kinalampag namang muli ni Zarate ag kaukulang otoridad na magkakaroon ng patas at masusing imbestigasyon sa mga iregularidad sa ahensya, lalo na kung kusang magbibitiw ang lahat ng commissioners nito.

Facebook Comments