Manila, Philippines – Pinadeklara ng Department of Education (DepEd) na smoke free zone ang lahat ng paaralan sa elementarya at high school sa bansa.
Ayon kay *DepEd* Sec. Leonor Briones, layunin nilang tumugon sa direktibang nagbabawal ng paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar sa bansa.
Mahigpit ding ipinag-utos ni Briones sa lahat ng school superintendent, school principal at iba pang school official ang pagbabawal ng anumang uri ng bisyo, tulad ng pagsusugal at iba pa.
Aniya, nakikipag-ugnayan na sila sa lahat ng local official, partikular sa Health Department para matulungan sila sa monitoring at pagpapatupad ng kautusan.
Hinihiling din nila ang tulong ng mga awtoridad na bantayan ang mga tindahan na malapit sa mga paaralan.
Facebook Comments