Lahat ng profiling na isinasagawa ng PNP, pinapahinto ng isang senador

Pinapahinto na ni Senator Nancy Binay sa Philippine National Police (PNP) ang lahat ng uri ng profiling na isinagasagawa nito kung saan may mga inosenteng nadadamay.

Para kay Binay, maituturing ng pag-abuso sa panig ng PNP ang ginagawang nitong profiling, kung saan may pinipilit itong isama sa presinto na kinukuhaan ng personal na impormasyon kahit walang malinaw o legal na dahilan.

Ginawa ni Binay ang pahayag bilang pakikiisa sa batikos sa “profiling” na isinasagawa ng Makati police sa mga transgender woman na tinawag na “Oplan X-Men”.


Giit ni Binay, dahil sa hindi makatwiran at maling profiling ay nalalabag na ang karapatan ng mga kabilang sa LGBT community at nakakadagdag sa kultura ng galit at diskriminasyon.

Naiintindihan ni Binay na kailangang gawin ng mga pulis ang kanilang trabaho pero dapat palaging manaig ang kanilang respeto sa karapatang pantao.

Umaasa si Binay na aaksyon ang liderato ng PNP, kasabay ang paghikayat sa iba pang local police na huwag tutularan ang hakbang ng Makati police.

Facebook Comments