Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na lahat ng rehiyon sa bansa ay nasa minimal hanggang low risk na sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Alethea de Guzman ng DOH Epidemiology Bureau, kabilang sa mga rehiyon na nasa low risk na ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR), National Capital Region (NCR), Zamboanga Peninsula at Mimaropa.
Habang ang mga rehiyon na hindi nabanggit ay nasa minimal risk sa COVID-19.
Sinabi rin ni De Guzman na lahat ng rehiyon sa bansa ay mayroong hospital utilization rate at Intensive Care Unit (ICU) utilization rate na 50 percent.
Napanatili rin aniya ng bansa ang negative 45 percent two-week growth rate at mababang Average Daily Attack Rate (ADAR) na nasa 1.02 sa kada 100,000 indibidwal.
Facebook Comments