Tuluyan nang ipinagbawal ng lungsod ng Valenzuela ang anumang uri ng paputok.
Inanunsyo ito ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian sa kanyang Twitter account isang linggo bago ang Bagong Taon.
Sa kanyang Twitter post, inanunsyo ng alkalde na mahigpit na ipinagbabawal ang paggawa, pagbebenta, pamamahagi, pagmamay-ari, paggamit o paglalaro ng mga paputok at ng pyrotechnics devices sa lungsod.
Ang kautusan na ito ay alinsunod sa Ordinance No. 833.
Nakasaad sa ordinansa na sinumang lalabag ay papatawan ng multang P5,000 o kulong ng hanggang 30 araw.
Ang mga negosyante namang patuloy na gagawa ng mga paputok sa siyudad ay otomatikong masususpinde ang permit.
Facebook Comments