Siyam na araw na Misa de Gallo, generally peaceful ayon sa PNP

Naging mapayapa ang siyam na araw na “Misa de Gallo” ng mga Katoliko sa buong bansa.

Ito ang security assessment ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, nagkaroon ng kabuluhan ang ipinatupad na mahigpit na seguridad ng mga pulis dahil walang naitalang untoward incidents sa siyam araw na Simbang Gabi sa harap na rin ng COVID-19 pandemic.


Nagpapasalamat si General Sinas sa local government at church authorities dahil sa pangunguna sa pagpapatupad ng public health guidelines at protocol sa panahon ng Misa de Gallo.

Sa ngayon, tiniyak ni PNP Chief na mananatili sa full alert status ang 221,000 police officers para matiyak na magiging payapa ang buong holiday season hanggang sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Siniguro ni Sinas na mananatili ang kanilang commitment sa publiko na gawin ang kanilang trabaho na protektahan ang komunidad.

Facebook Comments