Lahat PAF Huey helicopters, pina-iinspeksyon ni Sec. Lorenzana

Inatasan ng Department of National Defense (DND) ang Philippine Airforce na huwag munang gamitin ang lahat ng Huey helicopters para sa isasagawang maintenance inspection kasunod ng pagbagsak ng UH-1H Chopper sa Impasug-ong, Bukidnon na kumitil sa buhay ng pitong airmen.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, layunin nitong makamit ang zero accidents sa Armed Forces lalo na sa Philippine Airforce.

“In accordance with established protocols, the PAF’s entire fleet of Hueys has been grounded and all the units will be inspected,” sabi ni Lorenzana.


Una nang sinabi ni PAF Spokesperson Lieutenant Colonel Aristeded Galang, ang mga Huey choppers ay hindi na muna pinapayagang lumipad habang isinasagawa ang mahigpit na inspeksyon.

Ang PAF ay nagpadala na ng investigating team para malaman ang dahilan ng pagbagsak ng helicopter.

Kabilang sa mga tinitingnan ay environmental factors, human error at kondisyon ng chopper bago ang flight mission.

Facebook Comments