Manila, Philippines – Napanatili ng bagyong Gorio ang kanyang lakas habang tinatahak ang direksyong northeast ng Basco, Batanes.
Nakita ang sentro ng bagyo sa layong 265 kilometers northeast ng Basco, Batanes.
May lakas ng hangin na nasa 145 kilometers per hour na may pag-bugso ng hangin na umaabot na sa 180 kph.
Nananatili namang nasa storm signal number 2 ang Batanes habang nasa signal number one naman ang Babuyan Islands.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility si Gorio bukas ng umaga.
Kahit papalabas naman na ng par si Gorio, pag-iibayuhin naman ito ng hanging habagat kaya nagbabala ang pagasa sa mga pag-ulan pa rin sa Metro Manila, Ilocos, Cordillera Central Luzon, CALABARZON at MIMAROPA Regions.
Facebook Comments