Lakbay alalay ng DPWH, all set na

64

Manila, Philippines – All set na ang motorist assistanceteams ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para tumulong sa mgamotorista at commuters na dadagsa sa mga probinsya sa nalalapit na holy week.
 
Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar, nakahanda na ang“lakbay-alalay” program ng ahensya para magbigay ng ayuda sa mga motorista.
 
Inatasan na rin niya ang lahat ng regional at districtengineering offices ng DPWH sa buong bansa na i-reactivate ang ‘lakbay-alalay’program na magsisimula sa Abril 10 hanggang Abril 17, 2017.
 
  Sinabi pa ng kalihim na bago sumapit ang mahal na araw ayipinakalat na nito ang mga tauhan at maintenance teams ng ahensya sa buongbansa para matiyak na maayos ang mga national road.

Facebook Comments