Presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, nakipagdayalogo na kay P-Duterte

51

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Catholic Bishops’Conference of the Philippines President Archbishop Socrates Villegas nanagkaroon sila ng dayalogo sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Ayon kay Villegas, nagkaroon sila ng break through athumiling ang magkabilang panig na maghinay-hinay sa pagbatikos sa isa’t isa.
 
Ipinaliwanag rin aniya niya sa gabinete ang pangamba ngmga Obispo na kapag sila ay nanahimik sa isyu ng mga pagpatay ay posiblengisipin ng mga tao na normal at tama ito.
 
Nilinaw rin ni Villegas na hindi sila tutol kay PangulongDuterte kundi sa isyu na may kinalaman sa buhay at moralidad.

Facebook Comments