Cauayan City – Ngayong panahon ng Pasko at Bagong Taon, dagsaan ang mga biyahero na paalis at pabalik ng kani-kanilang mga probinsya kaya naman patuloy ang pag-arangkada ng Lakbay-Alalay ng Department of Public Works and Highways.
Ang programang ito ay isa sa mga hakbang ng kagawaran upang kahit papaano ay matulungan ang mga biyahero para sa ligtas na biyahe ngayong Holiday Season.
Sa unang araw ng programang ito, marami na ang mga motoristang naasistehan sa direksyon na kanilang pupuntahan, at mayroong na ring mga sasakyan na nasiraan habang nasa daan ang natulungan ng Lakbay-Alalay Teams sa iba’t-ibang panig ng Rehiyon Dos.
Samantala, magtatagal naman hanggang ngayong araw, ika-26 ng Disyembre at muling magpapatuloy sa ika-31 ng Disyembre ang Lakbay-Alalay upang bigyang tulong at gabay ang mga biyahero maging ang mga commuters.