Saturday, January 17, 2026

Lakbayaw Festival sa Tondo para sa Pista ng Sto. Niño, umarangkada na ngayong araw

Sinimulan na ngayong umaga, eksaktong alas-7:00, ang Lakbayaw Festival sa Tondo. Ang “Lakbayaw” ay pinagsamang salitang lakbay at sayaw, na sumisimbolo sa pagpapahayag ng pananampalataya sa pamamagitan ng sayaw at musika.

Bilang bahagi ng selebrasyon, nagpapatuloy ang kada-oras na mga misa sa loob ng 26 oras sa Tondo Church, simula Sabado ng gabi hanggang Linggo ng gabi.

Makikita rin ang mga replika ng Sto. Niño na nakasuot ng makukulay na kasuotan, inilalagay sa mga float na napapalamutian ng mga bulaklak at tinapay, at bumibisita sa iba’t ibang barangay sa pamamagitan ng “Lakbayaw” isang masayang prusisyon ng mga deboto.

Kabilang sa mga lumahok ang mga bata at matatanda na karga ang mga imahe ng Sto. Niño habang sumasayaw at umaawit, kasabay ng sigaw na “Viva Sto. Niño! Pit Señor!”

Matatandaang sinimulan ang nobena para sa pista noong January 8.

Facebook Comments