Wanted sa kasong carnapping sa Cebu City, naaresto sa Zamboanga Del Sur

Zamboanga Del Sur – Matapos ang pagtatago sa batas, nahuli na sa bayan ng Aurora, Zamboanga Del Sur ang wanted sa Cebu City na may sa kasong carnapping.

Kinilala ang suspek na si Nespher Lucero, 27 anyos at residente sa Barangay Bag-Ong Pitogo bayan ng Aurora.

Si Lucero ay may kasong carnapping kung saan may warrant of arrest na inisyu ni Judge Stewart Ramon Himalalaon ng 7th judicial branch 62 sa Cebu City.


Kasalukuyang nakakulong sa Aurora Municipal Police Station ang suspek.

Facebook Comments