Lakers bigo kontra sa Raptors, habang Warriors wagi kontra Wizards sa nagpapatuloy na NBA 2017-2018 season

NBA – Nabigo ang Los Angeles Lakers na masungkit ang pangatlong panalo nila matapos na pataubin ng Toronto Raptors sa NBA ‎2017-2018 season.
Panalo ang Raptors sa iskor na 101-92.
Nag-ambag sa panalo ng Raptors si Kyle Lowry na gumawa ng triple-double 11 points, 10 rebounds at 12 assists para talunin ang Lakers.
Ang young gun naman ng Lakers na si Kyle Kuzma ay umiskor ng 15 points para sa kanyang koponan, pero hindi pa rin ito nakasapat.

Habang tinalo naman ng Golden State Warriors ang Washington Wizards sa iskor na 117-120 sa NBA ‎2017-2018 season.
Ejected sina Warriors forward Draymond Green at Wizards Guard Bradley Beal matapos nilang magkainitan sa unang quarter ng laban.
Bumida sa Warriors si 2-time MVP Kevin Durant na nagtala ng 31 points at nag ambag naman sa kaniya si Stephen Curry na umiskor ng 20 points.
Si 2013 3rd overall pick naman na si Otto Porter Jr. ay umiskor ng 29 points para sa Wizards.

Facebook Comments