Lakers, ipinahiya ni Klay Thompson at ng GSW

Los Angeles – Ipinahiya ng Golden State Warriors ang Los Angeles Lakers sa kanilang naging laban sa Staples Center kanina, 130-111.

Bumida sa panalo ng Warriors si Klay Thompson nagbagsak ng 44 points kabilang na ang mainit na 10 out of 11 na shooting mula sa 3 point territory.

Sa koponan naman ng Lakers, nanguna si Brandon Ingram na nagtala ng 17 points.


Hindi pa rin nakalaro si LeBron James para sa Lakers dahil sa iniindang groin injury na natamo niya noong Christmas Game nila ng Warriors.

Facebook Comments