Resulta ng panibagong SWS survey at unoffcial tally ng mga boto sa plebesito, patunay na sawa na sa giyera at kahirapan ang mga Moro

Patunay ang pagpabor ng mayorya ng mga Muslim sa Bangsamoro Organic Law na gutom sa kapayapaan at uhaw sa kaunlaran ang mga taga-Mindanao.

Ito ang pahayag ng MalacaƱang kasunod ng panibagong survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan 79 percent ng mga muslim sa buong bansa ang pabor sa ratipikasyon ng BOL.

Isinagawa ang survey mula December 16 hanggang 19, 2018.


Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo ā€“ makikita rin aniya ito sa initial and unofficial tally ng mga boto sa plebesito.

Kumpiyansa aniya ang MalacaƱang na maaaprubahan ng BOL at matutupad na ang minimithing kapayapaan at kaunlaran ng mga moro.

Facebook Comments