Lakers, pinayuko ang Clippers sa re-opening ng NBA season

41

Nasungkit ng Los Angeles Lakers ang una nitong panalo kontra Los Angeles Clippers sa re-opening ng National Basketball Association (NBA) sa Walt Disney Facility sa Orlando, Florida.

Nanguna sa Lakers ang duo na sina Anthony Davis at LeBron James para talunin ang Clippers sa score na 103-101.


Nakapagtala si Davis ng 34 puntos habang kumanada ng 16 points, 11 rebounds at pitong assists si James.

Bagama’t tumabla sa huling 22 segundo ng laro, hindi ito naging sapat para magiba ng Clippers ang depensa ng Lakers.

Sumandal ang Clippers kina Forward Paul George na mayroong 30 points at kay Kawhi Leonard na umiskor ng 28.

Sa araw ng Linggo, makakaharap ng Clippers ang New Orleans Pelicans habang ang Toronto Raptors naman ang makakatapat ng Lakers.

Facebook Comments