Lakers, tinambakan ang Warriors sa kanilang rematch game

39

Hindi pinaporma ng Los Angeles Lakers ang Golden State Warriors sa kanilang rematch game sa regular season sa score na 117-91.

Nanguna para sa Lakers si LeBron James na nakagawa ng 19 points habang umambag si Dennis Schroder ng 12 points.


Sa panig naman ng Warriors, nanguna si Eric Paschall na may 18 point at Steph Curry na nakagawa ng 16 points.

Sunod na haharapin ng Lakers ang Phoenix habang ang Warriors ay babawi kontra Trail Blazers.

Facebook Comments