P30 billion, nawawalang kita dahil sa tobacco products smuggling; cigarette smugglers, pinatutugis

60

Aabot sa P30 bilyong ang nawawalang kita ng bansa dahil sa cigarette smuggling taon-taon.

Sa pagdinig ng Ways and Means Committee, tinukoy ni Albay Representative Joey Salceda, Chairman ng Komite na bilyones na ang nalulugi sa bansa dahil sa ilegal na pagpasok at bentahan ng tobacco products at ang maluwag na enforcement rules sa mga ecozones.


Dahil dito, hinihimok ni Salceda ang Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BOC) at Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na tugisin ang cigarette smugglers para matigil na ang illegal trade ng mga sigarilyo.

Iginiit ng kongresista ang oversight powers ng komite upang maobliga ang BOC na magsagawa ng programa katulad sa “Run Against Tax Evaders” o RATE ng BIR.

Umaapela rin si Salceda sa BIR na baligtarin ang Revenue Regulation (RR) 9-2015 na nag-e-exempt sa mga cigarette manufacturers sa tax stamps para sa exports at sa halip ay oobligahin ang mga ito na magkaroon na ng Unique Identification Codes (UIC).

Nangako naman si BIR Commissioner Caesar Dulay na ire-reverse nila ang nasabing polisiya para tuluyang ma-control ang illicit trade ng tobacco products sa bansa.



Facebook Comments