Lal-lo, Cagayan -Kinumpirma ni Vice Mayor Oliver Pascual na magbubukas na sa March 23, 2018 ang Cagayan North International Airport ng Lal-lo, Cagayan.
Iginiit pa ng bise mayor na ang unang commercial flight ay ang East Asia at North Pacific na mula sa Macau, China.
Dahil dito umaasa si VM Pascual na isang malaking bentahe ang maibibigya nito sa Bayan ng Lal-lo, Cagayan.
Isa umanong plano na hinihintay sa pagbubukas ng kaunaunahang paliparan sa Cagayan North ay ang oportunidad sa negosyo at trabaho ng karamihang Lalloquenos tulad ng hotels,restaurants,golf course at manpower sa mismong paliparan lalo na kung palalakihin pa o dadagdagan pa ang pasilidad ng airport.
Nakahanda nman na umano ang bayan ng Lal-lo lalo na sa mga daan kung saan 80 porsyento na ang road widening sa national highway maging ang pagpapasemento ng daan sa mga barangays.
Samantala tentative pa umano ang March 15 na planong pagbisita ni pangulong Duterte upang bisitahin ang kauna unahang Cagayan National International Airport dito sa Lalawigan ng Cagayan.
Susunod narin ang unang domestic flight ng Cebu Pacific Air mula Manila sa buwan ng April.