LALABAN | Mocha Uson, kayang ipagtanggol ang sarili sa kasong isinampa laban sa kanya – Malacañang

Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng MalacaƱang na kayang depensahan ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson ang kayang sarili sa administrative case na isinampa ng student leaders mula Akbayan sa Office of the Ombudsman.

Nabatid, basehan ng kaso ng Akbayan Youth ay ginagamit umano ni Uson ang kanyang posisyon sa pagpapakalat umano ng fake news.

Ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, tiyak namang kayang sagutin ni Uson ang kasong isinampa laban sa kanya.


Sinabi pa ni Guevarra na hindi naman niya alam ang pinagbasehan ng kaso na isinampa Akbayan Youth laban kay Uson dahil hindi naman siya nagbabasa nito.

Facebook Comments