LALABAN NA | Floyd Mayweather Jr., tuloy na tuloy nang lumaban sa mixed martial arts

Amerika – Bukas si Floyd Maywether Jr. na lumaban muli sa ibabaw ng ring, pero hindi sa boksing kundi sa mixed martial arts.

Katunayan, ipinaalam na raw niya ito sa kanyang team pero hindi pumayag ang trusted adviser niyang si Al Haymon.

Pero aniya, itutuloy niya ang planong laban para sa tamang halaga at para sa 145-pound division title sa UFC.


Dagdag pa ng boksingero, hangga’t maaari ay ayaw niyang makaharap sa octagon ang dating nakalaban sa boxing na si Conor McGregor.

August 2017 nang patumbahin ni Mayweather sa 10th round si McGregor na first time sumabak sa boxing ring.

Facebook Comments