SAWI | Isang miyembro ng indigenous people sa North Cotabato, patay matapos pagbabarilin ng NPA

48

North Cotabato – Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang mga rebeldeng NPA na responsable sa pagpatay sa isang indigenous mandatory representative ng Magpet, North Cotabato.

Kinilala ang nasawing biktima na si Antonio Takinan, municipal Indigenous Peoples (IP) mandatory representative na residente ng Barangay Tagbac sa nabanggit na bayan.

Dead on the spot ang biktima habang sugatan ang dalawa nitong kasamahan na sina Robello Tambunan at Rene Soriano na nasa kritikal na kondisyon.

Bago pa man pinagbabaril ang mga biktima ay nakatanggap na ang mga ito ng death threat mula sa mga nagpakilalang NPA.

Facebook Comments