Nakatakdang pirmahan ni President Donald Trump anumang araw sa susunod na linggo ang “comprehensive” na Executive Order sa asylum para mas lalo pang higpitan ang mga migrants.
Ayon kay Trump, balak nitong puwersahin ang mga migrants na magpakita sa isang legal port of entry para makapasok sa US.
Sa ngayon ay hindi pa isinasapubliko ni Trump ang mga detalye ukol sa asylum program, maging sa kung papaano niya ito ipatutupad.
Kasabay nito, sinabi ni Trump na nais daw nitong gamitin ang isang grupo ng Central American migrants na patungo sa US border bilang bahagi ng kanyang closing argument sa mga botante bago ang eleksyon.
Facebook Comments