LALAGDAAN NA | Ratified National ID System Bill, pipirmahan na ni PRRD ngayong araw

Manila, Philippines – Nakatakdang pirmahan ngayong araw, August 6 ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang National ID System.

Gaganapin ito mamayang hapon sa Rizal Hall ng Malacañang kasabay ng ceremonial signing ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Layunin ng National ID Law na pag-isahin ang lahat ng government IDs para isang card na lamang ang ipe-presenta sa lahat ng transaksyon.


Makakatulong din ang panukala para putulin ang red tape at maghatid ng karagdagang proteksyon laban sa terorismo at iba pang security threats.

Lalamanin ng card ang identification system number, buong pangalan, kasarian, blood type, petsa ng kapanganakan, marital status, address at litrato.

Matatandaang niratipikahan ng kongreso ang National ID Bill nitong Mayo.

Facebook Comments