PLANE CRASH | 20 patay sa pagbagsak ng world war II vintage plane sa Switzerland

Switzerland – Nasawi ang nasa 20 tao matapos bumagsak ang isang world war two vintage aircraft sa Switzerland.

Lulan ng 17 pasahero at tatlong crew ang junkers JU-52-HOT na nagsasagawa ng sightseeing flight nang biglang bumagsak ito sa isang bulubundukin.

Ikinalungkot ng operator ng Ju-Air ang pangyayari at kinansela na nila ang kanilang operations.


Inaalam pa ang dahilan ng pagbagsak ng eroplano.

Facebook Comments