Lalagong ekonomiya ng bansa, ibinida ng pangulo sa isinagawang country strategy dialogue sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland

Courtesy: Presidential Communications Office | Facebook

Iprinesenta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang estado ng ekonomiya ng bansa at ang mga naghihintay na mga oportunidad para sa Pilipinas sa isinagawa nitong dialogue sa ginaganap na World Economic Forum upang makahikayat nang mas maraming negosyanteng na magnegosyo sa Pilipinas.

Sa dialogue ng pangulo na batay sa projection, aabot sa 7.0% ngayong taong 2023 ang global economic growth ng Pilipinas.

Dahil aniya ito sa macroeconomic fundamentals, fiscal discipline, structural reforms at liberalization kaya sa kabila na may negatibong epekto ang pandemya ng mga nakaraang taon ay may projection pa ring pagtaas ng global economic growth ang bansa ngayong taon.


Binanggit din ng pangulo sa kanyang opening remarks na mahalaga na lahat ng bansa sa mundo ay matiyak na sapat ang mga pagkalinga sa mga lubhang apektado at vulnerable sectors mula sa impact nang pabago-bagong inflation.

Iginiit rin ng pangulo sa dialogue na nagpapatuloy ang pagtutok ng Pilipinas sa recovery, promotion ng local environment na magpapayabong sa negosyo sa pamamagitan ng pagtulong sa mga ito na makapasok sa global market.

Binanggit rin ng pangulo ang kahalagahan ng pagtutulungan pagdating sa ekonomiya at technical ng mga bansa para umunlad ang mga maliliit na mga negosyante na makakatulong rin sa global economy.

Hindi rin nawala sa dialogue ng pangulo, ang usapin kung papaano mareresolba ang isyu sa kasalukuyang energy at food crises, sinabi nitong kailangang mapaangat pa ang collaboration ng mga bansa para sa economic at social transformation.

Nabanggit rin ng pangulo ang usapin sa digitalization, kahalagahan ng edukasyon, skills development at kapakanan ng mga empleyado.

Facebook Comments