LALAGYAN NA | SRP sa mga pangunahing bilihin, nakatakdang ilabas ng DTI sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Sisimulan na ng gobyerno ang paglalagay ng Suggested Retail Prices (SRP) sa bigas, isda at gulay para maprotektahan ang mga mamimili sa overpricing.

Ang Technical Working Group (TWG) na binubuo ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) ay inatasang pag-aralan ang halaga na dapat ipataw sa mga basic food commodities.

Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, posibleng sa susunod na linggo ay mailalabas na nila ang SRP sa bigas at isda tulad ng bangus, tilapia, galunggong, maging mga gulay gaya ng talong, pechay at iba pa.


Ani Piñol, ang presyo ng bigas ay hindi dapat lalagpas sa 40 pesos kada kilo.

Ang SRP ay bahagi ng hakbang ng gobyerno na maibsan ang tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin na isinisisi sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Babala ng kalihim, ang mga lalabag at hindi susunod sa SRP ay pagbabayaran ng 1,000 hanggang isang milyong pisong multa.

Facebook Comments