MAHAL NA BILIHIN | Budget para sa P3 program, pinadadagdagan ni Pangulong Duterte

29

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Trade and Industry (DTI) na dagdagan pa ang budget para sa programang Pondo sa Pagbabago at Pag-asensyo o P3.

Ito ay kasunod na rin ng tumaas na presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel Piñol, may maliit na epekto ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law sa galawan ng presyo ng mga bilihin.

Aniya, nakiusap ang Pangulong Duterte sa Department of Finance (DOF) na dagdagan ng apat na bilyong piso ang pondo ng P3.

Ang P3 ay isang government financing program para sa Small and Medium Enterprises (SMES) para mabawasan ang madalas na pag-uutang ng mga negosyante.

Prayoridad ng P3 ang 30 pinakamahihirap na lalawigan ng bansa.

Facebook Comments