Lalagyan ng mga bala at armas, nakumpiska ng Martial Law Special Action Group sa Cagayan de Oro

Cagayan de Oro – Nakumpiska ng Martial Law Special Action Group sa isang sasakyan ang mga lalagyan ng bala at lalagyan ng mga armas nang isilbi ang search warrant laban kay dating Marawi City Mayor Fahad Salic.

Isinagawa ang operasyon kahapon sa Xavier Estate, Upper Balulang, Cagayan de Oro City.

Ayon kay Police Regional Office 10 Spokesperson Lemuel Gonda na kabilang sa nakuha ng mga otoridad ang dalawang empty magazine ng Caliber 9mm pistol, isang extended magazine ng caliber 9mm pistol, mga lalagyan ng armas, parte ng M653, tatlong hand guard ng M4 Rifle at isang set ng firearm cleaning kit.
DZXL558


Facebook Comments