2 katao, sugatan habang 50 mga bahay – naabo sa sunog sa Mandaue City

Mandaue City – Mahigit 50 mga bahay ang naabo sa sunog na nangyari kaninang alas 4:00 ng madaling araw sa Sitio Lower Malibu, Barangay Subangdaku sa lungsod ng Mandaue.

Itinaas ng Bureau of Fire Protection sa Mandaue City sa Task Force Alpha ang alarma dahil sa magkakadikit ang mga bahay na gawa sa light materials.

Ayun sa imbestigador na si SFO1 Edgar Vergara, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang ginang na maagang nagluluto ng ulam na kaniya sanang ititinda.


Mahigit isang oras ang pag-apula ng mga bombero sa apoy na ikinasugat din ng dalawang mga residente.

DZXL558

Facebook Comments