Lalake, arestado matapos makuhanan ng 100 kahon ng alak

Hindi nakalusot sa checkpoint sa bahagi ng Brgy. Concepcion Dos, Marikina City ang isang lalake matapos itong makuhanan ng isang daang kahon ng alak.

Sa inisyal na impormasyon mula sa EPD, dakong alas 8 kagabi ng dumaan ang suspek na si Bryan Andrew Ramirez, 29 y/o, isang driver sa nasabing checkpoint.

Nang parahin ng mga otoridad ang minamaneho nitong puting L300 at inspeksyunin, nakita dito ang 12 kahon ng cup noodles, 17 kahon ng sigarilyo at 100 kahon ng empi lights.


Ayon sa suspek, ibebenta nya ang mga ito sa kanilang lugar pero wala naman itong maipakitang ID na nagpapatunay na isa siyang authorized person outside the residence (APOR).

Sa ngayon, hawak na ito ng mga otoridad at nahaharap sa paglabag sa City Ordinance No. 040 o Liquor Ban during ECQ at paglabag sa RA 11332.

Facebook Comments