Lalake na nadakip ng PDEA-X, nabaril matapos na manlaban

Manila, Philippines – Nadakip ng mga operatiba ng philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-region 10, ang limang katao na nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

 

Napag-alaman na bandang alas 8 kagabi nang isinagawa nito ang isang buy bust operation sa Jasaan Misamis Oriental, kung saan nabili mula kay Van Oneil Sambaan, 21 taong gulang, na taga-San Nicolas, Brgy. Puntod sa lungsod ng Cagayan De Oro, ang isang sachet ng ipinagbabawal na gamot.

 

Subalit ng nagpakilalang otoridad ng PDEA ang nagsilbing poseur buyer, bigla itong bumunot ng baril at pinaputukan ang mga operatiba ng PDEA region 10.

 

Dahil dito, bumunot ng baril ang mga operatiba ng PDEA, kung saan tinamaan sa paa ang nasabing suspect.

 

Napag-alaman na target ng PDEA ang ama ng suspect na si Dixon Sambaan, 39 taong gulang, na kabilang sa target list ng PDEA.

 

Sa nasabing operasyon, nadakip sa drug den ang tatlong mga lalake na sina Mcdowell Eballe, 61 taong gulang, na taga-Sitio Salawaga Tingala, Opol, Misamis Oriental, Fernando Bomotano, 44 taong gulang, at Fernan Macariola, 33 taong gulang na nakatira sa San Nicolas Brgy. Puntod sa lugnsod ng Cagayan De Oro.

 

Na-recover mula sa mga suspect ang 25 grams ng ipinagbabawal na gamot na nagkakahalaga ng 150 thousand pesos. 


Facebook Comments