Lalaki, Arestado matapos gahasain ang kanyang Pamangkin!

258

*Cauayan City, Isabela*- Dinakip ng mga otoridad ang isang lalaki na Top 1 Municipal Level matapos isilbi ang mandamiento de aresto nito pasado 8:00 kaninang umaga sa Brgy. San Roque, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Edwin Suyat, 54 anyos, may asawa, isang construction worker na residente sa nasabing lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP San Mateo, noong Hunyo 2019 nang gahasain ng akusado ang 4 na taong gulang na biktima at mismong pamangkin nito.

Ipinalabas naman ni kagalang-galang hukom Ariel Palce ng RTC Br. 40 Cauayan City noong September 26 ang warrant of arrest nito para sa kasong Panggagahasa sa ilalim ng Criminal Case No. 40-12631.

Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng kapulisan si Suyat para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa kanyang court of origin.




Facebook Comments