Lalaki, arestado matapos mamigay ng libreng marijuana ‘dahil Pasko’

Kulungan ang bagsak ng isang lalaking droga ang naisipang ipamudmod sa panahon ng Kapaskuhan sa Florida, US.

Nahuling namimigay si Richard Spurrier, 67, ng marijuana sa kung kani-kanino sa kalsada noong gabi ng Disyembre 21.

Sa panayam ng awtoridad, nangatwiran umano si Spurrier na namamahagi siya ng naturang droga “dahil Pasko”, ayon sa ulat ng WFLA.


May dala ang 67-anyos na 45 gramo ng marijuana na ayon sa batas sa Florida ay maituturing nang mabigat na krimen.

Bukod dito, nadiskubre rin ng pulisya na may nakatagong espada sa tungkod ni Spurrier.

Ikinulong ang lalaki sa salang “possession of marijuana with intent to sell”.

Sa Florida, tanging mga pasyenteng medically qualified lang ang puwedeng magdala ng marijuana.

Nakalaya rin naman si Spurrier kinabukasan, ayon sa ulat.

Facebook Comments