LALAKI, ARESTADO MATAPOS MASAKTAN ANG SARILING BAYAW SA SAN QUINTIN

Nasugatan ang dalawang lalaki matapos mauwi sa gulo ang pagtatalo sa Barangay San Quintin, Pangasinan.

Batay sa imbestigasyon, nagtalo ang suspek at ang kaniyang live-in partner bago sinubukang awatin ng biktima, na kapwa nila kamag-anak.

Gayunman, nauwi sa mainitang sagutan ang sitwasyon, at tinangka umano ng suspek na saksakin ang biktima gamit ang screw driver na may habang pitong pulgada.

Parehong nagtamo ng gasgas sa katawan ang dalawa at agad na dinala sa Eastern Pangasinan District Hospital sa Tayug.

Naaresto ng mga rumespondeng pulis ang suspek at narekober ang ginamit na distornilyador.

Facebook Comments