Lalaki arestado matapos pagnakawan ng gamit ang sariling nanay, humingi ng pera bilang kapalit

GEORGIA, United States — Dinakip ang isang lalaking pinagnakawan ng mga gadget ang 73-anyos niyang nanay at humihingi ng perang kapalit ng mga gamit.

Nahuli ng awtoridad si Mitchell McCollum, 28, sa bahay ng kanyang nanay sa Forsyth County, ayon sa ulat ng Atlanta Journal-Constitution, Enero 7.

Sinabi ng nanay sa pulisya na tinatago ng anak ang mga gadget gaya ng TV, iPad, at hihingi ng pera bago ibalik ang mga ito.


Nakumpirma rin ng awtoridad na tinatakot ni McCollum ang sariling ina sa text message na tataasan pa ang halaga ng mga ninakaw na gamit kung hindi susundin ang tinakdang petsa.

Hinarang din umano ng anak ang kanyang van sa kotse ng nanay nang dalawang araw hanggang sa mapapayag itong mag-withdraw ng pera.

Sinampahan ng kasong exploitation or intimidation of an elderly person si McCollum na nakadetina sa kulungan sa Forsyth.

Facebook Comments