Lalaki, Arestado matapos Patayin ang isang Aso gamit ang ‘Sumpak’

*Cauayan City, Isabela*- Inaresto ang isang farm caretaker na Top 4 Most Wanted Person Municipal Level matapos isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest nito sa Brgy. Libertad, Echague, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Mariano Baymosa, 50 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Sinabbaran sa nasabing bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Echague, inaresto ng mga operatiba sa pangunguna ni P/MAJ. Andy Orilla, Hepe ng PNP Echague ang akusado matapos ipalabas ni kagalang-galang hukom Michelle Gumpal, MTC Echague Isabela sa kasong paglabag sa Animal Welfare Act matapos nitong patayin ang isnag aso gamit ang sumpak.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng (P6,000.00).

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng kapulisan si Baymosa para sa kaukulang disposisyon.

Photo Courtesy: PAWS
* tags: 98.5 * *iFM Cauayan, 98.5 RMN, PNP Echague, PMAJ. Andy Orilla, *Mariano Baymosa, Judge Michelle Gumpal, Animal Welfare Act, Cauayan City, Luzon

Facebook Comments