Lalaki, Arestado Matapos Sabihang Bayaran ang Pulis na Sumita sa Kanya!

77

Cauayan City, Isabela- Diretso sa kulungan ang isang binata matapos murahin ang mga pulis na nagpapatrolya at sumita sa kanya sa Lungsod ng Cauayan.

Kinilala ang suspek na si Dan Joseph Lappay, 24 taong gulang, residente ng Zipagan St, District 1, Cauayan City, Isabela.


Una rito, habang nagpapatrolya sa barangay Tagaran ang grupo ni PCapt Esem Galiza, pinuno ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng at Police Community Relations Officer ng PNP Cauayan ay namataan ang rumaragasang motorsiklo ng suspek mula sa Reina Mercedes kaya’t agad itong hinarang ng kapulisan.

Nang sitahin ng kapulisan ang suspek ay nagmura ito at sinabihan umano ang mga sumitang pulis na kaya niya silang bayaran.

Nabatid na positibo sa nakalalasing na inumin ang suspek at nasangkot sa aksidente sa bayan ng Reina Mercedes matapos makitaan na may mga galos at sugat sa katawan.

Kaugnay nito, nasampahan na rin kahapon ng kasong Disobedience upon an Agent of a person in Authority at paglabag sa RA 4136 ang suspek.

Facebook Comments