Saturday, November 14, 2026

LALAKI, ARESTADO MATAPOS UMANONG TUTUKAN AT BANTAANG PATAYIN ANG KAPWA MAGTITINAPAY SA STA. BARBARA, PANGASINAN

Arestado ang isang 54-anyos na lalaki matapos umanong tutukan ng baril at pagbantaan na patayin ang kapwa niya nagtitinda ng tinapay sa bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan, dakong alas-10:40 ng umaga noong November 12, 2026.

Batay sa ulat ng pulisya, nagmamaneho ng kaniyang traysikel ang 36-anyos na biktima habang naglalako ng pandesal at iba pang uri ng tinapay nang makasalubong ang suspek na kapwa rin tindero ng tinapay.

Sa kanilang pagtatagpo, umano’y naglabas ang suspek ng isang maikling baril mula sa kaniyang itim na clutch bag, saka itinutok sa biktima at nagbantang papatayin umano ito.

Dahil sa takot para sa kaniyang kaligtasan, agad na tumakas ang biktima. Gayunman, hinabol pa umano siya ng suspek hanggang sa isang malawak na bukirin kung saan nagawa niyang makaiwas.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Sta. Barbara Municipal Police Station matapos matanggap ang ulat.

Sa tulong ng biktima, natunton ng mga pulis ang suspek habang bumibiyahe sa nasabing bayan.

Nang senyasan ng mga awtoridad na huminto, tinangka pa umanong tumakas ng suspek. Hinabol nito ito hanggang natapos malapit sa isang tulay matapos biglang huminto ang minamaneho nitong traysikel dahil naputol ang kadena.

Sa isinagawang paghahalughog, narekober mula sa suspek ang isang itim na clutch bag, isang revolver na walang serial number, limang bala, at isang traysikel.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta. Barbara MPS ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon, imbestigasyon at paghahain ng mga kasong may kaugnayan sa grave threat at paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments