Lalaki, arestado nang tangkaing suhulan ang mga tauhan ng MMDA na sumita sa kaniya

Manila, Philippines – Sa presinto ang bagsak ng isang motorista matapos tangkaing suhulan ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sumita sa kaniya.

Ayon kay Boby Caindoy, isang MMDA constable, sinita ang motoristang si Jeremy Gadua dahil sa iligal nitong pagparada at sa kawalan ng lisensiya.

Aniya, tinangka rin niyang suhulan ang mga enforcer.


Pero depensa ni Gadua, mag-aabot lang siya ng P500 pang-meryenda dahil nagmamadali siya.

Nahaharap sa kasong illegal parking, obstruction at corruption of public official si Gadua.

Pinuri naman ng pamunuan ng MMDA ang kanilang tauhan na tumanggi sa suhol.

Nagpaalala rin ang mmda sa mga motorista na respetuhin ang kanilang mga traffic enforcer sa kalsada.

Facebook Comments