Cauayan City, Isabela- Kasabay nang pagsisimula ng Inter-Barangay Sports Competition sa Lungsod ng Cauayan ay naghahanda na rin ang Lungsod para sa pagiging punong abala sa Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) sa taong 2020.
Sa kasalukuyang inter-barangay sports competition sa FL.Dy Coliseum ay kinabibilangan ng mga grupo ng kabataan mula Poblacion Region, West Tabacal Region, Tanap Region, Forest Region at East Tabacal Region.
Dagdag pa ni Quintos, pipili ng ilang mga kabataan na may potensyal upang makalahok sa CAVRAA 2020 at higit na makilala ang mga Cauayeño sa larangan ng sports.
Inihayag naman ni Ginoong Jonathan Medrano, Sports Development Officer na nag-iikot ang kanilang tanggapan sa iba’t ibang barangay upang makapagbigay ng libreng serbisyo (Sports Clinic) sa mga manlalaro.
Sinabi pa ni Medrano na tumutulong rin ang kanilang tanggapan upang makapag aral ang ilang mga atleta sa iba’t ibang eskewalahan sa Metro Manila sa pamamagitan ng Sports na kanilang isinasagawa.
May ilang atleta na anya ang kasalukuyang nasa iba’t ibang paaralan para sa ilang pagsasanay.
Sa kabila nito ay hinihikayat naman ni Quintos ang mga kabataan na saksihan at suportahan ang kani-kanilang pambato na kabilang sa Inter-Barangay Sports hanggang sa ito’y matapos.