Lalaki, arestado sa buy bust operation sa Pasay city

14

Sa kulungan ang bagsak ng isang lalake makaraang mahulihan ng iligal na droga sa Pasay City

Kinilala ang suspek na si Julius Torzar, alyas “Kano”.


Batay sa report ng Pasay City Police, ikinasa ang buy bust operation sa bahagi ng Maricaban na humantong sa pagkaka-aresto sa suspek.

Nakumpiska mula sa kanya ang anim na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P8,000.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments